6-anyos utas sa isinaksak na charger!

MANILA, Philippines — Naging mitsa ng kamatayan ng 6-anyos na batang babae ang pagsasaksak nito ng charger ng cellphone matapos siyang makuryente sa Cadiz City, Negros Occidental kamakalawa.
Ang biktima na itinago sa pangalang Princess, residente ng lungsod ay agad nasawi matapos na dumaloy sa katawan nito ang malakas na boltahe ng kuryente mula sa charger ng cellphone.
Sa inisyal na ulat ng Cadiz City Police, nakita pa ng ama ng biktima ang anak na hawak ang cellphone kung saan naglilibang ito sa panonood.
Gayunman, bigla na lamang umanong isinaksak ng bata ang charger ng cellphone sa outlet bagay na ikinagulat ng kaniyang ama.
Dito, dumikit ang daliri ng bata sa bakal sa bahagi ng saksakan bunsod upang biglang magkikisay nang makuryente.
Naisugod pa ang bata ng magulang pero nabigo nang mailigtas ng sumuring doktor.
- Latest

















