^

Probinsiya

2 tinedyer dedo,1 sugatan sa pagsalpok sa van

Ramon Lazaro - Pilipino Star Ngayon

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan, Philippines — Dalawang tinedyer ang nasawi habang isa ang nasugatan matapos na ang kanilang motorsiklo ay sumalpok sa isang van sa Bocaue,Bulacan,kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kay Col. Franklin Estoro, ­acting Bulacan police director, kinilala ang mga nasawi na sina Khen Bendanillo,18; at Marjun Bardaje, 19,habang nasugtan si John JB Tejamo 18, kapwa mga residente ng Barangay Duhat ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ang tatlong biktima ay sakay ng  kulay pula/itim na Honda TMX, motorcycle na walang plaka nang sumalpok.ito sa harap ng Isuzu elf van truck na may plakang  RBV 283 na minamaneho ni Jose Ramie Agaton sa pakurbang bahagi ng Duhat-Bunducan Road.

Namatay noon din si Bendanillo dahil sa tinamong sugat sa ulo at katawan habang sina Bardaje at Tejamo ay dinala ng mga rescuers sa Honi Villanueva General Hospital sa Bocaue.

Si Bardaje ay idineklarang dead-on-arrival habang si Tejamo ay nagtamo ng bali sa kaliwang tuhod.

Nasa kustodiya na ang truck driver at kanyang sasak­yan sa Bocaue Municipal Police Station.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with