^

Probinsiya

Lolo na may akay na bike, inararo ng bus

Butch Quejada at Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Halos mabiyak ang ulo ng isang 65-anyos na lalaki matapos na araruhin ng isang pampasaherong bus habang tumatawid akay-akay ang kaniyang bisikleta, kamakalawa ng gabi sa ­Antero ­Soriano Highway, Barangay Makina, Naic, dito sa lalawigan.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si Nelson ­Bating, 65-anyos at residente ng Timalan, Naic, Cavite habang nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng bus na si alyas “Jhon”, ­47-anyos, ng Barangay Munting Mapino, Naic, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11:50 ng gabi habang papatawid ang biktima sa nasabing highway at akay-akay nito ang kaniyang bisikleta nang biglang tumbukin ng pampasaherong bus na Multi-color Kia na may plakang UVU 387 na minamaneho ni alyas Jhon.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima kasama ang dala nitong bisikleta kung saan napuruhan ang matanda sa ulo na halos mabiyak sanhi upang hindi na umabot pang buhay sa ­pagamutan.

HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with