Utol ng mayor timbog sa droga

GOA, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang kapatid ng alkalde ng bayang ito matapos maaresto sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga pulis sa kahabaan ng Burgos St., Brgy. Belen, Goa, nitong Biyernes ng gabi.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang suspek na kinilalang si Alfredo Gonzaga ll, 62-anyos, may asawa, residente ng naturang lugar at nakatatandang kapatid ng alkalde ng bayan.
Sa ulat, dakong alas-7:38 ng gabi nang ikinasa ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Camarines Sur Police Provincial Office ang buy-bust operation laban sa suspek.
Agad na inaresto si Gonzaga ng mga operatiba makaraang magkaabutan ng droga.
Ilang medium size na sachet ng shabu ang nabawi sa suspek na umabot ng 40.33 gramo na nagkakahalaga ng P274,244.
- Latest






















