^

Probinsiya

P36.7 milyong puslit na yosi nasabat sa Zamboanga

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P36.7 milyong puslit na yosi nasabat sa Zamboanga
Ayon sa mga ranking officials ng Police Regional Office-9, kabilang si Brig. Gen. Roel Rodolfo, at kanilang counterparts sa Bangsamoro regional police nitong Sabado, isang maliit na bangka na M/L J-Minda, na may kargang kontrabando ay agad na pinigil ng mga pulis matapos na iulat sa kanila ng mga residente na nakadaong ito sa maliit na wharf sa Barangay Campo Islam sa Zamboanga City para sa kanilang stopover.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines — Umiskor ang pulisya matapos nilang masabat ang nasa P36.7-milyong halaga ng puslit na siga­rilyo na nagmula pa sa Indonesia na takdang ideliber ng mga smugglers sa kanilang mga kontak sa Basilan at sa seaside areas ng Zamboanga peninsula nitong Mayo 2.

Ayon sa mga ranking officials ng Police Regional Office-9, kabilang si Brig. Gen. Roel Rodolfo, at kanilang counterparts sa Bangsamoro regional police nitong Sabado, isang maliit na bangka na M/L J-Minda, na may kargang kontrabando ay agad na pinigil ng mga pulis matapos na iulat sa kanila ng mga residente na nakadaong ito sa maliit na wharf sa Barangay Campo Islam sa  Zamboanga City para sa kanilang stopover.

Nakumpiska ng anti-smuggling teams mula sa iba’t ibang units ng PRO-9 ang nasa 642 kahon ng sigarilyo na sakay ng bangka.

Tatlo ang nadakip sa operasyon na kinilalang sina Eding Alsad Kinsang, 54, Alwijar Hadjali Binang, 33, at 35-anyos na si Basar Julaid Dahim. Kinumpirma ng tatlo na ang kanilang dalang kontrabando ay mula sa kanilang mga supliers sa Sulu at Tawi-Tawi, na naka-consign sa mga negosyante sa seaside areas ng Zamboanga City at kalapit na Basilan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Iniutos na ni Brig Gen. Rodolfo ang pag-turnover sa nasamsam na P36.7 milyong halaga ng smuggled cigarettes sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon.

RODOLFO

ROEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with