‘Most wanted’ sa 9-counts ng rape, timbog sa mall
CAVITE, Philippines — Arestado ang isang “most wanted person” sa regional level nang maaktuhan habang namamasyal sa isang mall sa inilatag na warrant operation ng pulisya sa Gen. Trias City.
Siyam bilang ng kasong rape ang kinakaharap ng akusado na si alyas “Ramon”, residente ng Gen. Trias City, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, ikinasa ang operasyon ng mga operatiba ng General Trias City Warrant Section kasama ang PIT Cavite RIU4A (Intel Packet Provider) at 401st MC RMFB4A laban sa akusado dakong alas-10 ng umaga.
Bitbit ang mga warrant of arrests para sa nasabing mga kaso na walang inirekomendang piyansa na inisyu ni Presiding Judge Flordeliz Cabanlit Fargas, ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 5, Trece Martires City, Cavite, ay agad na inaresto si Ramon habang masaya pang pagala-gala at namamasyal sa isang mall sa nasabing lungsod.
- Latest


















