Kandidatong Bokal, sugatan sa pananambang
MANILA, Philippines — Isang kandidatong Board Member na tauhan ng isang kongresista ang sugatan makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa labas ng tahanan nito sa Magugpo North, Tagum City nitong Martes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Audrie Perez, 43-anyos na kandidatong Bokal sa First District ng Davao del Norte.
Sa report ng Tagum City Police, ang biktima ay lulan ng kaniyang motorsiklo na bumabagtas sa kalsada ‘di kalayuan sa tahanan nito sa Delfina Village, Magugpo North ng lungsod ng bigla na lamang paulanan ng bala ng mga armadong lalaki .
Si Perez ay nagsisilbi ring executive assistant ni Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot “ Alvarez ay nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at patuloy na nilalapatan ng lunas sa Tagum Doctors Hospital.
Ang mga suspect ay mabilis na nagsitakas na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar habang narekober ng mga awtoridad sa lugar ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
- Latest















