^

Probinsiya

2 sundalo todas sa ambush sa Basilan

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 sundalo todas sa ambush sa Basilan
Tulung-tulong ang mga sundalo sa pagbaba sa bangkay ng dalawang kabaro habang agad nilang dinala sa ospital ang isa pa nilang kasamahan na malubhang nasugatan sa naganap na ambush sa Tuburan, Basilan nitong Biyernes.
John Unson

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang sundalo habang malubhang nasugatan ang isa pang kasamahan makaraan silang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Tuburan, ­Basilan nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga ­nasawi na sina Corporal Jordan Daquipel at Sgt. Reymark Bation; pawang ng 18th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army na nakabase sa lalawigan habang ang sugatan ay si Col. Richivie Flores.

­Sa ulat ng AFP-Western Mindanao Command, nangyari ang pananambang sa mga biktima bandang alas-4:20 ng hapon sa kahabaan ng kalsada ng Brgy. Duga-a, Tuburan ng lalawigang ito. Magkakaangkas sa motorsiklo ang mga sundalo at bumabagtas sa nasabing lugar nang paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan na nakakubli sa gilid ng kalsada.

Galing ang mga sundalo sa kanilang patrol base sa Brgy. Diuga-a at pabalik na sa himpilan sa Army’s 18th IB ng Charlie Company nang paulanan ng bala gamit ang M16 rifles sanhi upang duguang tumilapon sa kalsada.

Bagaman at nagawa pang maisugod ang mga biktima sa Lamitan District Hospital sa Lamitan City ay nabigo nang maisalba sina Daquipel at Bation.

Nagtutulungan na ang mga imbestigador at intelligence units ng 18th IB at 101st Infantry Brigade sa pagkilala sa mga nag-ambush kina Bation, Daquipel at Flores, na mabilis na tumakas.

ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->