Tserman todas sa ambush!

MANILA, Philippines — Patay ang isang batang barangay chairman habang malubhang sugatan ang kasamahan nito makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan habang lulan ng SUV at patungo sa isang graduation ceremony sa Brgy. Montay, Malabang, Lanao del Sur kamakalawa ng umaga.
Sa ulat, kinilala ni P/Lt. Col. Jopy Ventura, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ang nasawi na si Binhar Jalambre Alon Jawad, 25-anyos, chairman ng Brgy. Baraas, Picong, Lanao del Sur habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang sugatang si Norhan Comilao.
Batay sa report, dakong alas-10 ng umaga habang lulan ng Toyota Fortuner ang mga biktima patungo sa graduation ceremony nang pagsapit sa diversion road ng Brgy. Montay ay bigla silang pinaulanan ng mga bala ng M-16 rifle ng mga nakaabang na armadong mga suspek.
Lulan ang mga biktima ng behikulo na minamaneho ni Jawad nang bigla na lamang silang paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan pagsapit sa lugar.
- Latest