^

Probinsiya

Anak, ginawang ‘sex slave’ ng amang adik

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang durugistang ama na umano’y paulit-ulit na gumahasa sa kanyang sariling menor-de-edad na anak sa loob ng tatlong buwan sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Elmer, 34, residente ng Brgy. Muzon East na kabilang sa Top 2 Regional Most Wanted Person.

Sa report, naaresto ang wanted ng silbihan ng Warrant of Arrest (WOA) ng mga kawani ng Warrant Section ng SJDM police station katuwang ang PIT-Bulacan East, RIU-3, IG, 301st MC, RMFB 3 at 3rd SOU, PNP Maritime Group bandang 12:59 ng hapon nitong Abril 4 sa Brgy. Muzon East.

Nabatid na ang WOA sa kasong “14 counts of qualified rape of minor (Violation of RA 8353 on relation to RA 11648) ay inisyu ng Presiding Judge of RTC Branch  5FC, CSJDM, Bulacan nitong March 14, 2025 na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantang paglaya.

Sinasabing natuklasan ng lola na paulit-ulit na ginahasa ang bata ng kanyang ama sa tuwing lulong sa iligal na droga mula Setyembre 2024 hanggang December 2024.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with