^

Probinsiya

Mister todas sa ambush sa Batangas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 56-anyos na mister makaraang tambangan at pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin habang sakay ng kaniyang Hyundai Starex at bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Paraiso, Calatagan sa Batangas kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Batangas Police, alas-8:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa Brgy. Paraiso, Ca­latagan.

Lumabas na habang sakay ang biktima na si alyas “Marlon”, 56-anyos, residente ng Umingan, Pangasinan, ng kaniyang Hyundai Starex na may plate number BEB 590, galing ng bayan ng Balayan at patungo sana ng Biga, Batangas nang pagsapit sa nasabing barangay ay dito na siya pinagbabaril ng ‘di nakilalang suspek na nakabuntot sakay ng motorsiklo.

Matapos ang pamamaril ay dire-diretsong tumakas ang salarin tangay ang armas na ginamit sa ambush.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente kasabay ng dragnet ­operation laban sa suspek.

CALATAGAN SA BATANGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with