Lider ng crime group huli sa droga, baril
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad ang notoryus na lider ng crime group at tauhan nito sa isang buy-bust operation sa Nrgy. Grace Viller sa siyudad ng San Jose del Monte, dito sa lalawigan kamakalawa.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Nassep Mangoda, 22-anyos, lider umano ng “Mangoda Crime Group” at kasabwat nito na si Tipie, 26, na umano’y sangkot sa gun-for-hire activities, gun running at illegal drug trade sa naturang lalawigan.
Sa ulat na isinumite kay Col. Franklin Estoro, Officer-In-Charge ng Bulacan PPO, isang buy-bust operation ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Jode Del Monte City Police Station dakong alas-9:10 ng gabi noong Biyernes sa nabanggit na barangay na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek.
Nasamsam sa mga operasyon ang 8-plastic sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P136,000.00, dalawang kalibre .45 na pistola at isang Infinity buy pistol na walang serial number at parehong may kargang bala.
- Latest






















