^

Probinsiya

Tindero ng wildlife animals, timbog

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines —  Arestado ang isang 42-anyos na lalaki na nagsasagawa ng Wildlife animal selling-distribution sa isang entrapment sting sa kanyang bahay sa Barangay San Gabriel, San Pablo City, Laguna, kahapon ng umaga.

Isang alyas “Tuyay”, ng Teomora Phase 3 ng nasabing lugar, ang iniulat na hindi nanlaban nang arestuhin ng mga operatiba habang binebentahan nito ng wildlife animal ang isang operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagpanggap na buyer, sa kanyang tirahan bandang alas-4:30 ng madaling-araw.

Nabigo ang suspek na ipakita ang kanyang permit nang tanungin siya ng kinatawan ng Department of Natural Resources (DENR).

Sinabi ni Major Adrian Nalua, CIDG-Laguna provincial officer, na walang permiso si Tuyay na magbenta, magdala at mamahagi ng wildlife animals. Idinagdag na sangkot siya sa iligal na pagbebenta ng endangered wildlife animals. Inihahanda na ang paglabag sa Wildlife Protection Act laban kay Tuyay na nakakulong sa CIDG-Laguna custodial facility.

Ang mga nakumpiskang wildlife endangered animals ay ini-turn over na sa DENR Regional Office 4A at kalaunan sa Regional Wildlife Rescue Center sa Barangay Lamot 2, Calauan, Laguna. (

WILDLIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->