4 parak sugatan sa tatlong wanted
CAMP NAKAR, LUCENA CITY, Philippines — Nasugatan ang apat na pulis matapos na pumalag at makaengkwentro ang tatlong wanted sa Bicol Region na nagtatago sa Barangay Manggagawa Guinayangan, Quezon kahapon.
Ginagamot sa Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City dahil sa mga tinamong sugat sa kanilang mga katawan sina PCMS. Crisologo, PEMS Alex, PSSg John James at PCMS Domingo.
Sa ulat ng Guinayangan Municipal Police Station na ipinadala sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), kabilang ang nasabing mga pulis sa isang operasyon para magsilbi ng search warrant sa tatlong suspek na kinilalang sina alyas Richard, alyas Roy at alyas Magno, pawang mga wanted sa Bicol region na nahaharap sa mga kasong pagpatay.
Natunugan umano ng mga suspek na dadakpin na sila kaya’t kaagad nilang pinaputukan ang mga aarestong pulis.
Sa gitna ng engkwentro at pagkakasugat ng tatlong pulis ay sinamantala umano ng mga suspek ang pagtakas patungo sa bulubunduking bahagi ng Guinayangan,Quezon.
Isang manhunt operation na ang isinasagawa ng mga operatiba ng Guinayangan police upang agarang madakip ang mga suspek.
- Latest



















