^

Probinsiya

Laguna State University nasunog: Bebot tusta

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Laguna State University nasunog: Bebot tusta
Isinailalim na sa DNA test ang babaeng biktima upang makilala ito.
STAR/ File

CAVITE, Philippines - Patay ang isang babae na ina­alam pa ng pulisya kung estudyante o guro matapos na sumiklab ang malaking sunog sa isang ­unibersidad sa Sta. Cruz, Laguna, kama­kalawa ng hapon.

Isinailalim na sa DNA test ang babaeng biktima upang makilala ito.

Sa ulat ng Sta. Cruz Police, alas-12:50 ng hapon nang mamataan ang pagliyab ng apoy sa loob ng College of Arts and Sciences Building ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) na matatagpuan sa Brgy. Bubukal ng nasabing bayan.

Tumagal ng mahigit sa 3-oras bago tuluyang naapula ang apoy at bumulaga sa comfort room ng ikalawang palapag ng eskwelahan sa isang classroom ng College of Arts and Sciences ang sunog na sunog na katawan ng isang babae.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa matukoy ng pulisya at BFP ang pagkakaki-­­­­
la­n­­lan ng biktima kung kaya isinailalim na ang labi nito sa DNA testing.

Ang silid ng College of Arts and Sciences kung saan nagsimula ang apoy ay posibleng may mga kemikal na ginagamit ng mga estudyante sa pag-aaral na madaling magliyab lalo na sa tindi ng init ng panahon.

DNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with