^

Probinsiya

Lalaking mahilig mam-bully, ginilitan!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan sa tabing-ilog ang katawan ng isang lalaki na ginilitan at pinagsasaksak ng isang lalaki na kanya laging binu-bully at inaasar.

Batay sa report, nangyari ang insidente nitong Martes sa Puok 4, Barangay Catmondaan, Catmon, Cebu.

Nagkita ang 40-anyos na suspek at biktima kung saan tinawag ng huli ang una ng “boang” o siraulo.

Dahil galing sa inuman ang suspek, nagdi­lim ang kanyang paningin na may dalang itak at biglang tinaga sa balikat ang biktima.

Sinubukan pa umanong tumakbo ang biktima at tumalon sa isang ilog, pero hinabol pa rin ng suspek at nang maabutan ay ginilitan sa leeg.

Ayon sa suspek, mahigit isang taon na umano siyang binu-builly ng biktima na pinupuntahan pa raw siya sa bahay niya sa tuwing nalalasing ito.

Sa kabila ng ginawang krimen, hindi rin daw niya pinagsisisihan ang ginawa sa biktima.

BULLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->