^

Probinsiya

Delivery rider tiklo sa ‘hold-up me’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang delivery rider matapos madiskubre na hindi pala totoo ang iniulat nitong naholdap ang kanyang perang koleksyon kamakalawa ng gabi sa Brgy Toledo, bayan ng Silang.

Sa ulat ng Silang Police, dumulog sa kanilang istasyon ang delivery rider na si alyas Josh, 26, ng Brgy. Malabag, Silang, Cavite, dakong alas-9 ng umaga hinggil sa diumano’y naholdap siya ng dalawang armadong lalaki nitong Pebrero 25 ng alas-6 ng gabi.

Sa salaysay ni Josh sa pulisya, naka-duty umano siya bilang courier at nakatigil sa Brgy. Road ng Brgy Toledo at may inaayos sa kaniyang motorsiklo nang lapitan ng dalawang lalaki na kapwa naka-helmet at tinutukan umano siya ng baril saka nagdeklara ng hold-up.

Tinangay umano ng mga suspek ang may P13,400 na cash money na bayad ng mga costumer na dineliviran nito bago tumakas sakay ng kulay pulang motorsiklo.

Matapos umano nito ay agad siyang nagreport sa Barangay hall ng Brgy Toledo. Gayunman, sa imbestigasyon ng pulisya, walang naganap na holdap base sa mga kuha ng CCTV sa nasabing lugar.

Dito na umamin si Josh sa mga pulis na nagalaw nito ang perang bayad ng mga customer at naipatalo nito sa online gambling.

TOLEDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with