^

Probinsiya

Batang mag-utol naglaro sa ilog, patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LIBMANAN, Camarines Sur, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang magkapatid na batang lalaki matapos na parehong malunod habang naglalaro at naliligo kasama ang mga kalaro sa Bicol River, Zone-1 ng Brgy. Mambayawas, dito sa bayan, kamakalawa ng tanghali.

Hapon na at kapwa walang malay nang matagpuan ng rescue team ang magkapatid at mabilis na isinugod sa Libmanan District Hospital pero idIneklarang patay ang mga biktima na kinilala lamang na si Noel, 11-anyos at Nilo, 10-anyos.

Sa ulat, uwian na ng mga bata mula sa elementary school at dahil wala na umano silang pasok sa hapon ay naisipang maglaro at maligo sa ilog ng magkapatid kasama ang tatlong iba pa. Gayunman, dahil hindi masyadong marunong lumangoy ay kapwa sila lumubog sa ilalim at hindi na nakita pa ng mga kalaro.

Isang bata ang mabilis na nagsabi sa nanay na hindi na nila nakitang muling lumutang si Noel at Nilo kaya agad silang humingi ng saklolo.

Dala ang dalawang ambulansya ay sumugod sa lugar ang mga res­ponders ng Libmanan-MDRRMO. Ginalugad ng mga kasapi ng rescue team ang ilalim at kahabaan ng Bicol River para hanapin ang mga biktima.

Dakong alas-2:55 na ng hapon nang matagpuan ang magkapatid na mabilis isinugod sa pagamutan pero idineklarang kapwa wala nang buhay.

NILO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with