^

PSN Showbiz

Pangulong Marcos, pangarap nung maging aktor

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos, pangarap nung maging aktor
Pangulong Bongbong Marcos
STAR/ File

Naalala ko lang na may rebelasyon si Sen. Imee Marcos tungkol kay Pangulong Bongbong Marcos na gusto pala nitong maging actor noon at siya ang gustong maging director.

Pero hindi natuloy, naging producer si Senator Imee ng pelikulang Himala starring Nora Aunor (na nagkaroon ng bagong version sa magtatapos na #MMFF50).

Naalala rin ng senadora noong maraming mga foreign film na nagsho-shooting sa bansa.

“Ang ta­nging gamit nila ay talagang updated. Hindi ‘yung mga nineteen kopong-kopong, talagang pinapadala ng mga studio. So, ‘yung nakikita ng nanay ko (former First Lady Imelda Marcos) may mga Pilipino sabi niya, ang ganda-ganda  talaga ng sine.

“‘Yung tatay ko (the late former President Ferdinand Marcos), hindi talaga mahilig, sabi niya: ‘Ano yan?’ Ang gusto lang niya ‘yung mga pelikula ng gyera, tapos ‘yung mga cowboy, ‘yun type niya. Pero, nakakainis naman siyang kasamang manood ng sine; wala nang ginawa kundi sitahin. ‘Ayan mali ‘yan, hindi ‘yan pupuwede.’ ‘Kapag susugod sa kalaban, ‘di ka papasok sa ganyan.

“‘Naku, napakahina naman ng sundalong ‘yan,’ ‘Duwag! Duwag!’” kuwento pa ng senadora tungkol sa kanyang mga magulang.

“Ganyan ‘yan, eh, hindi ka na mag-i-enjoy sa manood ng sine, ang daming sinasabi. Ang nangyari, eh, nagbago ang kaisipan niya noong na-ban ‘yon Iginuhit ng Tadhana (life story ni FM), ‘yun ang nangyari.”

Dagdag pa niya : “Kasi, ang Doc Perez noon sa Sampaguita, sobrang tuwang-tuwa sa magulang ko, no? Sa dalawa, nagagandahan siya sa nanay ko, ni-recruit nga niyang mag-artista, kaso nag-asawa naman bigla; nakapagkasal. Eh tapos, ‘yung ama ko, parati niyang pinipilit kapag ikukuwento, “‘Yung kuwento mo pang-sine ‘yan.”, “Gawin na nating sine.” Kaya ginawa ang Iginuhit ng Tadhana sa kasamaang palad, tumugma naman doon sa pagtakbo niya bilang pangulo laban noon kay president (Diosdado) Macapagal.

“Malupit ‘yung laban na ‘yon, kasi magkabarkada sila, pareho silang liberal, same party. At bigo ‘yung pangako, na one term lang si Presidente, at ‘yung tatay ko na ang susunod; nag-give-way nga ‘yung tatay ko noong 1961.

“Anyway, ang ending is, ‘yung sine, ‘yung sine na naudlot noong 1960 ay itinuloy na noong 1964,  kaso pinagbawalan, na-ban ‘yung sine. Eh, alam na natin sa showbiz basta kontrobersyal, banned, higit sa lahat, ‘pag inaapi, alam na natin ang mangyayari, sisikat. Eh, sumikat nga; nandoon sila sa premiere night, na naka-long gown lahat, nakaalahas, barong, todo, bonggang-bongga; biglang sinabi na TRO ‘yung pelikula, bawal na. Edi, lahat ng tao, talagang pumila na manonood. Nung lumabas na sa wakas, tuwang-tuwa lahat ng tao na manood, ‘yun talaga ang nangyari doon. At ‘yung tatay ko sabi niya, ‘Ganito pala ang pelikula,’” pagbabalik tanaw pa ni Sen. Imee kung paano minahal ng kanyang mga magulang ang movie industry.

Sabi ko, “Anong ibig mong sabihin, ang kapangyarihan ng sine ay kakakaiba. Talagang ‘yung puso at diwa ng tao nagbabago. Nababago pala niya ang isipan ng tao.

“So, sabi niya, ‘The power of majesty of the film, is unparalleled.’

“So, mula noon, sabi niya, ‘Ito ‘yung industriya na dapat nating tulungan, malaking bagay pala,” mahaba pang pag-aalala ng senadora sa ginanap na Pandesal Forum bago nag-Pasko.

“Ayun, talagang bilib na bilib siya, the power of film.”

Na ngayon ay itinutuloy ni Pangulong Bongbong.

Naniniwala rin ang Senador na mas madali nang gumawa ng pelikula dahil maraming platform.

Na pati raw pelikula na gawa sa cellphone ay pwede na.

MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with