^

PSN Palaro

PSC target mapataas ang pondo para sa atleta

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PSC target mapataas ang pondo para sa atleta
Richard Bachmann

MANILA, Philippines — Nanawagan si Phi­lippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann sa mga mambabatas upang madagdagan ang pondo para sa mga atleta.

Nais ng PSC na magkaroon ng sapat na pondo upang mas lalo pang mapalawak ang programa nito partikular na sa pagtuklas ng mga bagitong atleta.

“Based on partnerships, for congress, our legislators. You know, it is actively important to fund youth. In our mandate, I can only fund national training pool, and when it comes to youth we’re not allowed,” ani Bachmann sa progra­mang Radyo Pilipinas.

Nais ni Bachmann na maisabatas ito para mabilis ang maging proseso sa paglalabas ng pondo.

“I want it done on paper. There should be law. We should be actively funding youth athletes because they are our future and if you look at it now the one that is performing is the youth,” ani Bachmann.

Bukod dito, plano rin ng PSC na maisama ang mga national sports associations sa mga bibigyan ng insentibo. Sa kasalukuyang batas, tanging ang atleta at ang coach lamang nito ang binibigyan ng bonus.

Target din ni Bachmann na taasan ang monthly allowance ng mga atleta.

Ang isang bagong atleta ay tumatanggap lamang ng P10,200 kada buwan.

“That is something on the pipeline. Let’s face it you know, a new athlete a­ctually earns 10, 200 pesos, and that is barely minimum wage, it’s like 300 pesos per day. Hopefully, with the help of our legislators, we can increase that as well,” aniya.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with