^

Probinsiya

P1.5 milyong droga nakumpiska, 68 arestado sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nasa P1,538,504.80 halaga ng iligal na droga ang nasamsam habang 68 indibiduwal ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito.

Sa report na nakarating kay Bulacan Police director PCol. Satur Ediong, ikinasa ang kaliwa’t kanang operasyon simula December 2 hanggang December 8 taong kasalukuyan.

Nabatid na umabot sa 40 ang ikinasang operas­yon ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa lalawigan na may 68 drug suspects ang naaresto.

Nakumpiska sa mga operasyon ang 222.02 gramo ng shabu at 239.74 gramo ng marijuana na may kabuuang halaga na P1,538,504.80.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga istasyon o yunit ng pulisya na humuli sa kanila.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with