Drug den sa Cavite ni-raid: 7 obrero timbog

Hindi na nakuhang makatakbo ng mga suspek nang paligiran ng pulisya na nakilala sa mga alyas na Molong, 63-anyos, “karpintero”, “Rafael”, 56; “Raf”, 32; Jessica, 38; Rodolfo, 51, driver; Benjie, 28, at Ricky, 28.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Pito katao na pawang construction workers ang naaresto ng pulisya sa pagsalakay sa isang hinihinalang drug den sa lungsod ng Bacoor kamakalawa ng gabi.

Hindi na nakuhang makatakbo ng mga suspek nang paligiran ng pulisya na nakilala sa mga alyas na Molong, 63-anyos, “karpintero”, “Rafael”, 56; “Raf”, 32; Jessica, 38; Rodolfo, 51, driver; Benjie, 28, at Ricky, 28.

Batay sa ulat, matapos ang nakuhang impormasyon, inilatag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cavite Provincial Office, PDEA Laguna Provincial Office, Cavite Provincial Drug Enforcement Unit at PNP Maritime Group na may ginawang drug den ang mga construction workers sa isang lugar sa Barangay Niog, Bacoor City.

Lumalabas na bago sumabak sa trabaho ang mga obrero ay tumitira umano muna sila ng shabu para maging maliksi at mabilis sa pagtatrabaho.

Narekober sa operasyon ang may 7.6 gramo ng shabu na may halagang P49,300 at mga drug paraphernalia.

Show comments