67-anyos lolo sinibak sa ulo, todas!

PIO DURAN, Albay, Philippines — Patay nang matagpuan habang naliligo sa sariling dugo ang isang 67-anyos na lolo na pinaniniwalaang tinaga sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa kanilang bahay sa Purok-3, Brgy.Tibabo, Pio Duran, Albay kama­kalawa ng umaga.

Isang malalim na taga sa ulo ang ikinasawi ng biktima na kinilala lamang sa pangalang “Lolo Dante”, magsasaka at residente ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga, nagpunta sa bahay ng biktima ang isang kaanak nito upang humiram ng ­pangkudkod ng niyog (coconut scraper).

Gayunman, nagulat ang kaanak nang makita ang biktima na nakasubsob, duguan at patay na.

Mabilis na rumes­ponde ang mga kasapi ng Pio Duran Municipal Police Station sa lugar at patuloy na nag-iimbestiga upang malaman ang pagkakakilanlan at motibo ng salarin sa pamamaslang.

Show comments