Bulakenyos pinag-iingat sa dengue
BULAKAN, Bulacan, Philippines — Nagpaalala ang kinauukulan sa publiko na mas gustong kagatin ng lamok na may dengue ay ang mainit na balat at taong kumikilos o gumagalaw.
Sa report ng Rural Health Unit dito kamakalawa, ang dengue ay isang sakit na naisasalin sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok.
Ayon sa report, ang nasabing babaeng lamok na tinawag na Aedes ay may dalang Dengue Virus (Infected Female Aedes Mosquito).
Nabatid na ang katangian ng lamok na Aedes ay mas gustong kagatin ang mainiit na balat, kumikilos o gumagalaw na biktima/tao at madalas umatake ito sa gilid at gawing likuran ng katawan.
Namamahay ang mga lamok na ito sa madidilim na lugar, nangingitlog sa hindi dumadaloy na tubig at nakakalipad lamang sa layong 50-300 metro mula sa pinangingitlugan.
Sinasabing mas mabilis ang kanilang pagdami ngayong tag-ulan dahil sa mga nagkalat na bagay na maaaring pamahayan.
- Latest