^

Probinsiya

Mayor, congressman sa Cavite nagsuko ng armas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mayor, congressman sa Cavite nagsuko ng armas
Malugod na tinanggap ni PCol. Alfie M. Salang, ng Imus City Police, ang mga armas nina Mayor Alex Advincula at Congressman AJ Advincula na kanilang personal na isinuko kahapon para sa matahimik na 2025 election.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines — Pinangunahan nina Imus City Mayor Alex “AA” Advincula at Congressman AJ Advincula ang pagsurender ng kanilang mga personal na armas kay Police Col. Alfie Salang, hepe ng Imus Police, bilang pagtugon sa programang PRO4 Implan Feel Safer o “Firearms and Explosives from Candidates/ Supporters/ Kins / Juridical for Safekeeping and Disposal an Effort Leading to a Secure, Accurate and Fair Elections in Calabarzon Region”.

Ayon kay Mayor Advincula, buong puso ang kanyang pagsuporta sa peacekeeping o pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan na programa para sa nalalapit na Eleksyon 2025. Isang Olympic Rifle cal 5.56 ang isinuko ng alkalde habang isang Colt Pistol cal 45. naman ang kay Congressman AJ.

Sa panayam ng ­Pilipino Star ­NGAYON kay Col. Salang, sa ginawang pag-surrender ng mayor at congressman ng kanilang mga baril, ay patunay lamang ito na magiging matahimik ang dara­ting na Election 2025 sa lungsod ng Imus at inaasahang susundan ito ng iba pang mga opis­yales at kandidato ng lungsod at buong lalawigan.

CALABARZON REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with