Magkakaklase nag-cutting class, 1 patay sa lunod
CAVITE, Philippines — Nauwi sa trahedya ang ginawang pagka-cutting class umano ng mga senior high school students nang maisipan nilang mag-swimming na ikinasawi ng isa nilang kaklase makaraang tangayin ng malakas na alon sa karagatan kamakalawa ng hapon sa Barangay Munting Mapino, Naic, dito sa lalawigan.
Hindi na naisalba pa ang buhay ng 16-anyos na estudyanteng si alyas John, ng Collegio De Montessori sa Naic, Cavite nang marekober ng mga rescuers.
Sa ulat ng pulisya, alas-12 ng tanghali nang magpasyang mag-cut ng kanilang klase ang mga estudyante upang gumawa ng school projects sa Coastal Bay ng nasabing lugar.
Pagdating ng nila sa nasabing lugar, agad na nag-picture taking ang mga estudyante para sa kanilang Earth Sciencesubject.
Nang matapos ang kanilang proyekto, nagkayayaang maligo ang mga estudyante subalit dahil sa lakas ng alon, sila ay tinangay palayo sa pampang.
Sa kabila nito, nagawang makalangoy pabalik ang ibang mga estudyante subalit ang kaklase nilang si alyas John ay tuluyang nilamon ng dagat.
Agad na nagsagawa ng rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pangunguna ni CG Lyndon Remos, Sub-Station commander ng PCG-Naic at makalipas ang may mahigit isang oras ay narekober ang katawan ni alyas John itinakbo sa ospital subalit hindi na naisalba pa ng mga doktor ang kanyang buhay.
- Latest