^

Probinsiya

Nurse binaril ng mister sa loob ng sasakyan, patay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Nurse binaril ng mister sa loob ng sasakyan, patay!
Tama ng bala sa leeg ang sinasabing sanhi ng pagkamatay ng ginang na si Madelyn Bauzon Kinilitan, 36, tubong Calasiao, Pangasinan at kasalukuyang residente ng Barangay Mangnao, Dumaguete City.
STAR/ File

Dahil sa matinding selo

MANILA, Philippines — Patay ang isang nurse nang barilin ng kanyang mister sa loob ng kanilang sasakyan sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo dahil sa umano’y sobrang selos kamakalawa ng gabi sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Tama ng bala sa leeg ang sinasabing sanhi ng pagkamatay ng ginang na si Madelyn Bauzon Kinilitan, 36, tubong Calasiao, Pangasinan at kasalukuyang residente ng Barangay Mangnao, Dumaguete City.

Matagumpay namang naaresto ng mga pulis ang tumakas na suspek na kinilalang si Ken Lloyd Kinilitan, 39-anyos, residente ng nasabi ring lugar.

Ayon sa report, nakasakay sa kotse ang mag-asawa dakong alas-6:00 ng gabi nitong Huwebes nang magkaroon umano sila ng pagtatalo.

Sa kasagsagan ng mainitang pagtatalo, biglang bumunot umano ng baril ang mister na si Ken Lloyd Kinilitan, 39, at malapitang pinaputukan ang kanyang misis na nakaupo sa passenger seat at nasapol ng bala sa leeg.

Imbes na sa ospital isugod ang asawa, dinala pa ng mister ang kotse sa Bag-ong Taytayan, Barangay Tabuc-tubig at doon iniwan ang sasakyan sa isang tulay kung saan duguang nakabulagta sa loob ang kanyang maybahay.

Inireport naman sa pulisya ng mga saksi ang kanilang pagkakadiskubre sa sasakyan at bangkay ng ginang.

Agad na nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek at naaresto sa pinatataguan nitong bahay ng kanyang kaibigan.

Lumalabas sa imbestigasyon na matinding pagseselos ng lalaki ang naging ugat ng krimen na hindi na idinetalye ng pulisya.

Nakatakdang sampahan ng kasong parricide ang suspek.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with