^

Probinsiya

Bangkay ng lalaki natagpuan sa CALAX

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki ang nadiskubre sa loob ng Cavite-Laguna expressway o CALAX sakop ng Silang, Cavite.

Sa report ng Silang police, nagpapatrolya sa expressway ang mga security personnel ng CALAX nang maispatan ng mga ito ang bangkay sa damuhan gilid ng kalsada sa bisinidad ng Barangay Carmen.

Agad na tumawag ang mga ito ng mga otoridad upang maimbestigahan at masuri ang bangkay at ng malaman ang ikinasawi nito.

Nanawagan din ang Silang police sa may mga nawawalang kaanak na kilalanin ang bangkay na may bigote at nunal sa baba ng kaliwang mata,nakasuot ng pulang t-shirt, nakapantalong maong nang matagpuan.

Hindi matiyak kung ang lalaki ay biktima ng summary execution o aksidente.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with