^

Probinsiya

3 preso pumuga sa Rizal, balik-selda

Ed Amoroso, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 preso pumuga sa Rizal, balik-selda
Ayon kay Lt. Col. Gaylord Pagala, hepe ng Taytay police, ang pumugang inmate na si Ronald Barrera ay nahuli sa tirahan ng kanyang kaibigan sa Barangay San Jose, Antipolo City, noong Martes ng alas-11 ng umaga habang ang presong si Kurt Cavasal ay nadakma sa Brgy. Sta Ana, Taytay, Rizal, sa parehong araw ng alas-4 ng hapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Balik-selda na ang tatlong preso na tumakas mula sa police custodial facility sa Taytay, Rizal matapos silang maaresto ng binuong tracker team ng pulisya kasunod ng ikinasang manhunt operation.

Ayon kay Lt. Col. Gaylord Pagala, hepe ng Taytay police, ang pumugang inmate na si Ronald Barrera ay nahuli sa tirahan ng kanyang kaibigan sa Barangay San Jose, Antipolo City, noong Martes ng alas-11 ng umaga habang ang presong si Kurt Cavasal ay nadakma sa Brgy. Sta Ana, Taytay, Rizal, sa parehong araw ng alas-4 ng hapon.

Ang isa pang takas na si Danny Cancino ay mu­ling naaresto sa Pinagbuhatan, Pasig City, kahapon bandang alas-7 ng umaga.

Sina Barrera at Cancino ay nahaharap sa mga kasong droga habang si Cavasal ay kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, ayon kay Pagala.

Sinabi ni Pagala, ang mga preso ay mahaharap sa karagdagang kasong kriminal para sa kanilang pagtakas mula sa custodial facility.

Dalawang duty jail officers ang sinibak sa kanilang puwesto dahil sa jail break sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal noong Martes ng alas-4:45 ng nadaling-araw.

Nakatakas ang mga preso matapos nilang tanggalin ang sink o iron frame sa dingding ng custodial kitchen area sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Enteng.

Samantala, inatasan ni Atty. Owen de Luna, National Police Commission regional director, ang hepe ng pulisya ng Taytay na magsumite ng buong police report tungkol sa pagtakas ng mga preso.

vuukle comment

RIZAL

TAYTAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with