^

Probinsiya

Batang lalaki nalunod sa balde ng tubig

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAYABAS CITY, Philippines — Namatay sa pagkalunod sa plastic container na may lamang tubig ang isang 3-anyos na batang lalaki kamakalawa ng hapon sa barracks ng ginagawang gusali sa Barangay Ibabang Palale sa lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Gabriel, residente ng Barangay Gumihan, Infanta, Quezon.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-4:00 ng hapon ay nakita ng isang residente ang biktima na nakasubsob at nakalubog ang ulo sa isang plastic container na puno ng tubig na ginagamit sa konstruksyon.

Mabilis na dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital subalit, idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Mary Grace, ina ng biktima, iniwan niyang solong naglalaro sa loob ng barracks ang anak bago ito natagpuang patay.

Hinihinalang may kinukuha ang bata sa loob ng plastic container subalit nadulas ito at napasubsob hanggang malunod.

vuukle comment

LUNOD

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with