^

Probinsiya

Driver/bodyguard utas sa pamamaril

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang driver/aide/bodyguard, habang nakaligtas naman ang department head ng Biñan City matapos na tambangan ang kanilang service vehicle ng dalawang hindi nakikilalang riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi sa Biñan City, Laguna.

Kinilala ang nasawi na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si alyas Ronaldo, 55, driver/aide/bodyguard, naninirahan sa naturang lungsod,samantalang wala namang tinamong sugat ang nasabing Biñan City Department Head na si alyas Ed.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, alas-6:30 ng gabi, habang ang mga biktima na lulan ng kanilang service vehicle ay papauwi nang biglang paulanan ng bala ang sinasakyan ng dalawa ng hindi nakikilalang suspek na kapwa magkaangkas sa motorsiklo na mabilis na tumakas patungo sa hindi matukoy na direksyon.

Napag-alaman sa inisyal na pagsisiyasat ng Biñan City Police Station ang nasawing driver/aide/bodyguard ay mayroong pending case hinggil sa land despute sa Nueva Ecija kung saan hindi pa matukoy sa mga biktima ang totoong target ng mga gunman.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with