^

Probinsiya

Naga farmers magsusuplay ng bigas, gulay sa ospital – DAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Naga farmers magsusuplay ng bigas, gulay sa ospital � DAR
File photo shows different types of rice displayed on shelves.
The STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Lumagda sa isang kasunduan ang Department of Agrarian Reform (DAR) at ang Bicol Medical Center (BMC) upang direktang bibilhin ng naturang ospital ang farm produce ng mga lokal na magsasaka sa Bicol region.

Ang ospital ang pinaka-­malaking pagamutan sa rehiyon. Ang mabibiling farm produce ng naturang ospital ay ipapakain sa higit 3,000 pasyente at empleyado nito.

Nakasaad sa nilagdaang kasunduan ang pagpapahintulot sa 1,000-bed capacity na ospital na bumili ng bigas, gulay, root crops, at iba pang produkto mula sa samahan ng mga magsasaka sa Bicol.

 Sinasabing ang hakbang ay hindi lamang nagbibigay ng oportunidad sa ekonomiya sa mga magsasaka, kundi tinitiyak din nito na mayroong patuloy na suplay ng abot-kayang halaga ng sariwang pagkain para sa BMC.

Pinasalamatan ni  Dr. Ronnie Gregorio Gigantone III, chief medical officer ng BMC ang DAR dahil sa inisyatibang ito na makakakain ng sariwang pagkain ang mga pasyente nila at mga empleyado sa murang halaga bukod pa sa malaking tulong ito sa mga magsasaka ng lalawigan na magkaroon ng tiyak na kita para sa kanilang mga pamilya.

vuukle comment

BIGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with