^

Probinsiya

Barangay tanod na nakikipaglamay, napatay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 43-anyos na barangay tanod ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng isang 58-anyos na tricycle driver nitong Sabado ng gabi  sa Barangay Camilo Osias, Balaoan, La Union.

Kinilala ng mga otoridad ang nasawing biktima na si Eduardo R. San Jose.

Batay sa imbestigas­yon, bago naganap ang krimen ay kapwa nakikipaglamay ang biktima at suspek na si William Subang nang magkainitan sa hindi pa malamang kadahilanan na nauwi sa pagtatalo.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay bumunot ng baril si Subang at binaril ang biktima.

Nakatakbo pa si San Jose, subalit hinabol pa ng suspek at nang madapa ay muling binaril ng suspek. Naaresto ng mga pulis ang suspek at nakuha ang baril sa isang pursuit operation.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with