^

Probinsiya

Obrero na senglot, nilamon ng ilog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi matapos na malunod sa ilog sa Brgy. Tavora Proper, Pugo, La Union, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng Pugo Municipal Police Station ang biktima na si Michael Librano, nasa hustong gulang, obrero, residente ng Brgy. Tuguegrande, Bani, Pangasinan.

Sa inisyal na ulat ng mga otoridad, bandang alas-12:15 ng tanghali ay nasa tabi ng ilog ang biktima na may mga kasama na nag-iinuman.

Habang nag-iinuman, mag-isa umanong lumusong sa tubig ang biktima para magla­ngoy at makalipas ang ilang minuto na hindi pa buma­balik ang biktima kaya’t hinanap nila ito.

Isa sa mga kasama nila ang nakakita sa biktima nasa malalim ng bahagi ng ilog at walang malay.

Agad na dinala sa La Union Medical Cen­ter ang biktima, subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with