^

Probinsiya

P2.2 milyong shabu nasabat sa Batangas buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
P2.2 milyong shabu nasabat sa Batangas buy-bust
Stock image of methamphetamine
Pixabay

CAVITE, Philippines — Nasabat ng pulisya ang may 330 gramo ng shabu sa dalawang High Value Target (HVT) sa inilatag na buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Brgy. Dumuclay East, Batangas City.

Arestado ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas “Rommel” at alyas “Marco”, umano’y kilalang mga dealer at supplier ng droga.

Sa ulat ng Batangas Police, alas-2:15 ng hapon nang ilatag ng OPD-Drug Enforcement Unit (lead unit) at Batangas Police ang buy-bust operation target ang dalawang suspek.

Narekober sa mga suspek ang dalawang plastic na naglalaman ng may 330 gramo ng shabu na aabot sa halagang P2,244,000; ang P200,000 marked money at isang itim na bag, isang cal. 45 pistol compact, isang magazine, anim na bala at isang cellphone.

vuukle comment

BATANGAS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with