^

Probinsiya

8 patay, 7 sugatan sa salpukan ng van, truck

Tony Sandoval, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
8 patay, 7 sugatan sa salpukan ng van, truck
Wasak na wasak ang pampasaherong van habang nasira rin ang harapan ng nakasalpukang delivery truck sa naganap na road crash sa Maharlika Highway sa Bgry. Sto. Cristo, Sariaya, Quezon na ikinasawi ng walo katao habang pito pa ang sugatan kahapon.
Janine Garcia

SARIAYA, Quezon, Philippines — Walo ang kumpirmadong patay kabilang ang isang 2-anyos na bata habang pito pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang magkasalubong na pampasaherong van at delivery truck sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Sto. Cristo sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Namatay agad sa pinangyarihan ng road crash dahil sa grabeng pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang driver ng Nissan Escapade van na si Eleo­doro Bermudo, mga pasaherong sina Danilo Dapadap at Villamor Concepcion habang nalagutan ng hininga habang dinadala sa iba’t ibang ospital ang iba pang pasahero na sina Jaime Bermudo, Francisco Concepcion, Sarah Joy Concepcion, batang si alias “MJ”, 2-anyos; at Sarah Concepcion na pawang residente ng Camarines Sur.

Sugatan naman at ginagamot sa iba’t ibang ospital sa Sariaya, Que­zon at sa Lucena City ang iba pang pasahero ng van na sina Ariel Caliro, Louis Aldean, Anjo Vergara, Gilbert Bermudo, Jomar at Anjo Caliro at ang tsuper ng wing van truck (delivery truck) na si Crisanto Saculo.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-6:15 ng umaga ay binabagtas ng pampasaherong van ang kahabaan ng Maharlika Highway patungo sa direksyon ng Naga City nang salpukin ng kasalubong na truck na patungo naman sa Bicol.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nagmistulang niyuping mga lata ang halos kabuuan ng van at maging ang harapan ng truck ay nawasak sanhi upang mahirapan ang mga rescuers sa pagkuha sa katawan ng mga naipit na pasahero.

Sa paunang imbestigasyon, sinasabing nakatulog ang driver ng van kaya kumain ito ng linya ng delivery truck at nakasalubong hanggang sa sumalpok.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman kung sino ang dapat na managot sa kalunos-lunos na aksidente.

Nagdulot naman ng paninikip sa daloy ng trapiko ang naturang lugar dulot ng trahedya sa daan.

DANILO DAPADAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with