^

Probinsiya

Binata, inutas ng tandem sa parking lot ng disco bar

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines —  Patay ang isang binata matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa parking lot ng isang Disco Bar at kalalabas lamang nito ng nasabing bar kasama ang mga kaibigan , kamakalawa sa Brgy. Palico 4, Imus City.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Christian Don Angeles, residente ng Imus City, Cavite habang hindi naman nakilala ang dalawang suspek na mabilis tumakas sakay ng isang motorsiklo na ‘di naplakahan.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente.

Nauna rito, masaya pang nag-inuman ang biktima kasama ang mga kaibigan sa 767 Club Disco Bar sa may Brgy. Palico ng nasabing lugar. Matapos ang kanilang kasiyahan, lumabas na sila ng bar at nagtungo na sa parking lot. Gayunman, biglang dumating ang mga ‘di kilalang suspek na magkaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril ang biktima saka mabilis na tumakas.

May hinala ang pulisya na malamang na nagkaroon ng iringan sa pagitan ng biktima at mga suspek sa loob ng nasabing bar at hinintay lamang na makalabas ang biktima.

Naitakbo pa sa Medical Center ang biktima subalit hindi na naisalba pa.

Sakay ng Yamaha Mio Sporty ang mga tumakas na suspek.

vuukle comment

DISCO BAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with