^

Probinsiya

Babaeng tumatawid sinalpok ng truck, tepok

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang babae makaraang salpukin ng isang delivery truck habang tumatawid sa kalsada sa San Miguel St., Brgy. Poblacion 3, bayan ng Indang, dito sa lalawigan, kamakalawa

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima na si Jenny Damandaman, nasa hustong gulang at residente ng Poblacion 3, Indang, Cavite habang nasa kustodya na ng pulisya ang delivery truck driver na si alyas “Tomas”.

Sa imbestigasyon ng Indang Police, alas-10:35 ng umaga habang tumatawid ang biktima patungo sa public market nang bungguin ng Hino delivery truck na may plate number NAR 2723 at minamaneho ni alyas Tomas.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at tumama ang ulo sa kalsada na sanhi ng tinamong matin­ding pinsala.

Sa pagresponde ng ambulansya ng MDRRMO, agad na dinala ang biktima sa General Emilio Aguinaldo Hospital sa Trece Martires City subalit idineklara na siyang patay ng sumu­ring doktor.

vuukle comment

JENNY DAMANDAMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with