^

Probinsiya

2 dalagita timbog sa P1 milyong shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 dalagita timbog sa P1 milyong shabu
Ang dalawang dalagita (nakaupo) habang iniimbestigahan matapos maaresto nang magbenta ng may P1-milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Panapaan Bacoor City.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines — Arestado ang dalawang dalagita matapos makumpiskahan ng may P1-milyong halaga ng shabu sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Brgy. Panapaan, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang magkaibigang suspek sa mga alyas na “Rica” at “Jalila”, kapwa ng Brgy. Datu Esmael Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat, alas-4:30 ng hapon nang magkasa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Provincial Police Office, at Bacoor City Police laban sa mga suspek na unang isinailalim sa surveillance.

Nang makumpirma sa illegal na gawain, isinagawa ang buy-bust sa Brgy. Panapaan, Bacoor City. Agad inaresto ang dalawa at narekober sa kanila ang may mahigit sa 150 gramo ng shabu na aabot sa halagang P1,020,000.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with