^

Probinsiya

Vice mayor, escort todas sa ambush!

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon

Misis na tserman, 2 anak sugatan

MANILA, Philippines — Patay ang isang etnikong Taduray na bise alkalde ng South Upi, Maguindanao at bodyguard nito habang sugatan ang kanyang misis at dalawang menor-de-edad na anak matapos tambangan ng armadong grupo, kamakalawa ng hapon sa South Upi, Maguindanao Del Sur.

Idineklarang dead-on-the-spot sa ambush si South Upi Vice Mayor Roldan Benito at escort nitong si Weng Marcos habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang misis ni Benito na si Barangay Pandan Chairman Analyn Benito at mga anak nitong 11 at 13-anyos.

Batay sa report ni South Upi Police chief Captain Amer Hussien Disomangcop, nangyari ang ambush dakong alas-5:10 ng hapon sa Sitio Linao, Brgy. Pandan, South Upi.

Iniulat din ng Maguin­danao del Sur Provincial Police Office kay Brig. Gen. Prexy Tanggawhon, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, sakay ng isang pick-up truck sina Vice Mayor Benito kasama ang kanyang mag-iina at escort nang sila ay paputukan at paulanan ng bala ng assault rifles ng mga lala­king nakapuwesto sa gilid ng kalye sa Barangay Pandan sa South Upi. 

Nagsasagawa na ng pursuit operation ang pulisya katuwang ang Philippine Army para ha­bulin ang mga may gawa sa krimen.

Samantala, agad na kinondena ni South Upi Mayor Reynalbert Insular ang pananambang sa kanyang bise alkalde at nanawagan sa pulisya at militar na tugisin ang mga salarin.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with