^

Probinsiya

Pasaherong kumarnap sa Grab car, timbog sa GPS

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mabilis na nadakip ang isa sa tatlong lalaking suspect nang matunton sa pamamagitan ng global positioning system (GPS) ang kinaroroonan ng kinarnap na Grab taxi service, sa Teresa, Rizal, nitong Biyernes ng gabi. 

Kinilala ang naaresto sa alyas na “Antonio”, 47-anyos, ng Barangay Maybangcal, Morong, Rizal habang tinutugis pa ang isang alyas “Jabbar”, at isang John Doe, na kasabwat din sa krimen.

 Sa ulat ng Baras Municipal Police, alas-8:00 ng gabi ng Agosto 2, nang maganap ang insidente sa Ortañez St., Brgy. Rizal, Baras, Rizal.

 Ayon sa reklamo ng Grab driver na si alyas “Albert”, 22-anyos, nag-book ang mga suspek, na kanyang pinik-ap sa Unciano Antipolo City at nagpahatid sa Momarco, Tanay, Rizal, at bago bumaba ay nagdeklara ng holdap.

 Pwersahang pinababa ng sasakyan ang Grab driver at sumakay ang mga suspek na minaneho patakas ni alyas Antonio.  Nagpasaklolo ang biktima sa nobya na si alyas “Kristine” na tumawag sa nasabing police station, kaya ikinasa ang dragnet operation.

 Sa tulong ng GPS map ni Kristine na nakakabit umano sa Mitsubishi Xpander, mabilis na natunton ang sasakyan, kung saan inabutan ang suspek na si Antonio sanhi ng kanyang pagkakaaresto. 

Patuloy pa ang manhunt operation sa dalawang nakalalayang suspek.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with