^

Probinsiya

8 bayan sa Cavite, isinailalim sa state of calamity sa ‘oil spill’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
8 bayan sa Cavite, isinailalim sa state of calamity sa �oil spill�
Fishermen show traces of an oil spill along the coast of Long Beach in Noveleta, Cavite on July 30, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa state of calamity ang walong bayan sa Cavite matapos na umabot na rito ang oil spill mula sa lumubog na oil tanker sa karagatan ng Bataan kamakailan.

Sa report na ipinara­ting ni Cavite Governor Juanito Victor “Jonvic” Remulla sa Office of Civil Defense (OCD) kabilang sa mga bayan na isinailalim sa state of calamity ay kinabibilangan ng Bacoor, Kawit, Tanza, Rosario, Noveleta, Maragondon, Naic at Ternate.

“Kumalat na po ang oil spill sa mga coastal areas sa Cavite “, pahayag ni Gov. Remulla sa kaniyang social media post.

“As of today, the pro­vince is declaring a STATE OF CALAMITY in these areas,” saad ni Remula sa kaniyang Facebook account.

Noong Hulyo 25 ay lumubog ang MT Terra Nova na may kargang 1.4 mil­yong litro ng industrial fuel sa karagatan ng Bataan. Una nang iniulat ng Phili­ppine Coast Guard na ang langis na tumagas sa oil tanker ay kumalat na sa 12-14 kilometro sa Manila Bay noon pang Sabado.

Kaugnay nito, sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Spokesperson Nazario Briguera na hindi kasing tindi o lawak ang oil spill sa Oriental Mindoro noong nakalipas na taon ang nangyari sa Bataan.

Samantalang, hinggil naman sa fishing ban, sinabi ng opisyal na nasa diskresyon na ito ng mga local government units.

“Sa BFAR ang nakatoka sa amin ‘yung pag-aanalisa ng fish sample, marine habitat, at ‘yung ano mang mga technical information na makukuha namin at ibibigay sa LGU at sila ang magdedesisyon kung magpapatupad ng fishing ban,”ani Briguera.

Sinabi ng BFAR, base sa Bataan Oil Spill Bu­lletin, na ang lahat ng mga sample ng isda mula sa nasabing lalawigan ay nakapasa sa kanilang sensory analysis dahilan hindi naman bulnerable ang mga isda sa oil spill di katulad ng mga crustaceans.

Inihayag naman ni Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel na tatanggap ng tig P3,000 halaga ng subsidiya sa fuel ang mga mangingisdang apektado ng oil spill para makapamalakaya sa ibang mga lugar na hindi abot ng tumagas na langis.

vuukle comment

OIL SPILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with