^

Probinsiya

Magdyowa sakay ng trike, todas sa ambush!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Magdyowa sakay ng trike, todas sa ambush!
Ayon sa Sariaya Police, patay agad sa insidente ang mga biktima ay kinilalang sina alyas Michelle, 35, at alyas Limuel dahil sa mga tama ng punglo sa ulo at katawan.
STAR/File

SARIAYA, Quezon, Philippines — Patay ang isang mag-live in partner matapos tambangan at paulanan ng bala ng hindi kilalang mga lalaki habang sakay ng isang tricycle kamakalawa ng gabi sa Eco-Tourism road na sakop ng Barangay Binay 1 sa bayang ito.

Ayon sa Sariaya Police, patay agad sa insidente ang mga biktima ay kinilalang sina alyas Michelle, 35, at alyas Limuel dahil sa mga tama ng punglo sa ulo at katawan.

Patuloy namang nangangalap ng impormasyon ang pulisya sa posibleng pagkakakilanlan ng mga salarin at ang kanilang motibo sa ginawang krimen.

Ayon kay Major Romar Pacis, chief of police sa bayang ito, sakay ang mag-live in sa isang tricycle at binabagtas ang kahabaan ng Eco-Toutism Road patungo sa direksyon ng Barangay Guisguis dakong alas-9:00 ng gabi nang biglang harangin ng hindi nakikilalang mga lalaki saka walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo mula sa hindi pa batid na kalibre ng mga baril.

Nang matiyak na patay na ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

vuukle comment

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with