^

Probinsiya

Kagawad utas sa suntok ng kaaway sa Kapitolyo!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang barangay kagawad habang inoobserbahan sa pagamutan ang nakaaway nitong lalaki matapos silang magsuntukan sa mismong compound ng Cavite Provincial Capitol sa Brgy. San Agustin, Trece Martires City kama­kalawa.

Kasalukuyang naka-hospital arrest ang suspek na kinilala sa alyas na “Adonis”, nasa hustong gulang habang patay ang biktima sanhi ng mga tinamo nitong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kinilalang si Kagawad Ariel Marasigan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Cavite Provincial Capitol Compound. Kasama ng nasabing kagawad ang kaniyang kaibigan sa compound ng kapitolyo nang biglang dumating ang suspek.

Nagkaroon umano ng sagutan ang biktima at suspek hanggang sa mauwi sa suntukan.

Nang madehado ang suspek, dito na siya kumuha ng patalim at sunud-sunod na pinagsasaksak ang barangay konsehal.

Nasugatan din ang suspek kung kaya kapwa sila dinala ng mga sumaklolo sa Memorial Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival ang biktima.   

vuukle comment

MARASIGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with