^

Probinsiya

Pangulong Marcos nagbigay ng mobile clinic sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Nagkaloob si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Louise “Liza” Marcos, at Department of Health (DOH)  ng Bagong Pilipinas Mobile Clinic para sa lalawigan ng Quezon.

Personal na tinanggap ni Governor Doktora Helen Tan ang bagong mobile ambulance sa isinagawang programa kamakalawa, Hulyo 17 sa Tagaytay City kung saan ay natanggap din ito ng 16 pang probinsya sa Pilipinas.

Malaking tulong ito upang patuloy na mailapit ang serbisyong pangkalusugan para sa mga taga lalawigan na naninirahan sa malalayong lugar lalo’t higit ito ang pangunahing layunin ng gobernador ng lalawigan ng Quezon.

Kargado ang bagong mobile clinic ng ilang medikal na kagamitan gaya ng ultrasound, X-ray, cholesterol and glucose monitors, 12-lead ECG, clinical hematology analyzer, microscope, spiro­meter, infrared forehead thermometer at generator.

vuukle comment

CLINIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with