^

Probinsiya

Panukalang P32 billion stadium project malapit sa Clark airport, binira

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas ang panukalang pagtatayo ng P32 bilyong stadium malapit sa Clark International Airport sa Pampanga sa gitna na rin umano ng krisis sa ekonomiya at kahirapan.

“How many public hospitals, schools, or housing projects could be built with P32 billion? It’s like the government is living in their wildest dreams while ignoring the reality on the ground,” ayon kay Brosas, House Assistant Minority Leader.

“Sa panahon kung kailan milyun-mil­yong Pilipino ang halos wala ng mailagay na pagkain sa mesa, talagang naisipan pa ng gobyerno na maglaan ng bilyun-bilyon para sa isang mega-stadium project na hindi naman mapapakinabangan ng mamamayan,” punto ni Brosas.

Sa anunsyo ni Clark International Airport Corporation (CIAC) President Arrey Perez. ang panukalang 40 hektaryang entertainment complex na planong itayo ay tatapusin hanggang 2028 na naglalayon aniyang mabawasan ang trapiko sa Clark International Airport sa pamamagitan ng pagho-host ng mga concerts ng mga internasyonal na artists.

Kinuwestiyon naman ni Brosas ang pagsusulong ng nasabing magastos aniyang proyekto sa pamamagitan ng Public -Private Partnership (PPP) arrangement.

ARLENE BROSAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with