^

Probinsiya

Robbery suspect, nakorner ng traffic enforcer

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE MANILA, Philippines — Hindi umubra sa isang traffic enforcer ang isang pinaghihinalaang holdaper makaraang takasan nito ang ginawang traffic violation sanhi ng kanilang habulan hanggang sa makorner ang huli, kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Brgy, Talaba 3, Bacoor City.

Arestado ang suspek at nakuhanan umano ng hindi lisensyadong baril na kinilala sa alyas na Danny, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng pulisya, alas-12 ng madaling araw, kasalukuyang naka-duty ang traffic enforcer na si alyas Jay, ng Bacoor Trafic Management sa kahabaan ng St. Dominic Brgy. Talaba 4 nang dumating ang suspek sakay ng Honda Click motorcycle na walang plaka. Hinarang ito ng traffic enforcer upang siyasatin subalit sa halip na huminto ay pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo.

Dito na nagkaroon ng habulan sa pagitan ng traffic enforcer at suspek.

Naisip ng traffic enforcer na hindi talaga magpapahuli ang suspek kung kaya mas binilisan nito ang patakbo ng kanyang motorsiklo at nang makalapit na sa suspek ay sinalpok nito sanhi upang sumemplang at nasukol.

Nakuha umano sa suspek ang isang caliber 38 revolver na walang serial number at kargado ng anim na bala.

vuukle comment

HONDA CLICK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with