^

Probinsiya

Mag-iina dinukot sa Laguna, P1.5 milyong ransom hingi

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Mag-iina dinukot sa Laguna, P1.5 milyong ransom hingi
Iniulat ni Barangay Captain Fe Villanueva, ng Barangay Aplaya ang sinasabing kidnapping incident sa police station dakong alas-5 ng hapon, kamakalawa.
STAR/ File

LAGUNA, Philippines — Dinukot umano ang isang 30-anyos na ina at kanyang dalawang anak na may edad 8 at 9, at humihingi ng P1.5 milyong ransom ang ‘di kilalang abductor kapalit ng kanilang kalayaan sa Sta. Rosa City.

Iniulat ni Barangay Captain Fe Villanueva, ng Barangay Aplaya ang sinasabing kidnapping incident sa police station dakong alas-5 ng hapon, kamakalawa.

Ipinakita ng isang kaanak ng mga biktima ang isang video clip sa mga rumespondeng pulis na pinamumunuan ni Major Marlo Camantigue na dineploy sa lugar upang beripikahin ang nasabing ulat.

Ipinakikita sa video na nakagapos ang ginang habang ang suspek ay naki­pag-ugnayan sa biyenan nito sa messenger at humihingi ng pera na nagkakahalaga ng P1,500,000 kapalit ng kalayaan ng manugang at mga apo.

Isang binuong tracker team na  ang nagsasagawa ng  hot pursuit operation sa Metro Manila particular sa Parañaque City para maaresto ang suspek at masagip ang mga mag-iinang biktima.

vuukle comment

APLAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with