^

Probinsiya

Ospital nalubog sa baha, mga pasyente inilikas

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

Ilog umapaw sa pananalasa ni ‘Aghon’

BATANGAS, Philippines — Inilikas ang mga pasyente ng San Juan District Hospital sa bayan ng San Juan, dito sa lalawigan matapos malubog sa tubig-baha ang bahagi ng Barangay Talahiban dulot ng bagyong Aghon Linggo ng hapon.

Ayon sa San Juan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), ang mga pasyente ay pansamantalang inilagak sa San Juan covered court na nagsilbing makeshift hospital.

Hinakot ang mga pasyente sa pamamagitan ng mga ambulansya, MDRRMO service vehicle, police patrol vehicle at heavy equipment vehicle para maitawid sa baha.

Ayon sa MDRRMO, nagmula umano ang tubig-baha sa umapaw na ilog sa lugar na nagbunsod para isarado pansamantala ang Laiya-San Juan national road sa trapiko.

OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with