^

Probinsiya

Resort sa Chocolate Hills, nakalusot dahil sa loopholes ng batas - Tulfo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa loopholes o mga butas sa batas kaya nalusutan ang pamahalaan at nakapagtayo ng mga resort sa pamosong “protected  area” sa Chocolate Hills sa Sagbayan, Bohol na naging viral sa social media matapos itong batikusin ng netizens.

Ito ang iginiit nitong Lunes ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo matapos itong lumitaw sa pagdinig ng Committee on Natural Resources na pinamumunuan ni Negros Occidental 2nd District Rep. Alfredo Marañon hinggil sa illegal na pagpapatayo ng Captain’s Peak resort sa Chocolate Hills na tinaguriang national heritage, at idinekla­rang geological park ng UNESCO.

Partikular na tinukoy ni Tulfo ang kapabayaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa pagpayag nito na maipatayo ang nasabing resort.

“The problem na nakita ng committee na ito, headed by Chairman Marañon, was may loopholes, may gray area. Tama ‘yung sinasabi ni Chair na dapat ito is DENR’s job,” ani Tulfo,

Napag-alaman na ang Captain’s Peak ay nakatayo sa tinaguriang “alienable and dispo­sable land” na idineklara ng pamahalaan noong pang 1920s na ang ibig sabihin ay pwede na itong maibenta sa pribadong indibidwal.

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1037 noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos, idineklara ang Chocolate Hills na isang “natural monument” para protektahan ang Chocolate Hills at nagbabawal sa anumang istruktura sa naturang lugar.

Pero noong panahon ni ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo, inamyendahan ito sa pamamagitan ng Proclamation No. 333 at pinagbawalan lamang na makapagpatayo ng istruktura sa Chocolate Hills at 20 meters mula sa baseline ng bawat hill.

“Yung sinasabi nila, kahit na sabihin nila 1926 pa, alienable, pwede na ibenta, pwede na i-develop yung lugar na yun. Pero por Diyos por Santo, I mean, national heritage, tourist attraction, lalagyan mo naman kung ano-ano, hindi maganda sa mata, di ba?” ani Tulfo.

Kinatigan naman ni Rep. Marañon at ma­ging ni Kabataan partylist Rep. Raoul Manuel, na base sa kanilang imbestigasyon, malaki ang pagkukulang ng DENR dahil sa pagpayag sa pagpapatayo ng kontrobersyal na resort sa kabila nang ito ay pinagbabawalan ng batas.

RESORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with